top of page
  • Writer's pictureJhon Eric Full

TIMPLADONG KARNE, PABORITO NG BAYAN! Part 2: The Hottie


Hello mga ka-southies! Kung hanap mo ang authentic ng mga inihaw, never look back, wag kang mahiya! Siguradong hindi ka magsisisi kapag nai-try mo ang JT’s Manukan Grille, ang lugar para sa mga Grilled Foods. Sa bawa’t kagat, naranasan ko ang intense at tamang timplado ng masarap na inihaw na karne. Tara mga ka-south, samahan ninyo ako sa aking panibagong blog!


Pagpasok ko palang ng restaurant, sa amoy palang ay tila naglaway na agad ako,

sobrang nakakatakam talaga dahil sa amoy ng mga iniihaw na karne. Agad ko namang

napansin ang maaliwalas na ambiance ng lugar! Malinis, maayos, at hindi mawawala ang iconic na amoy ng mga ihaw. Hindi nagtagal, mabilisang akong umupo at nagsetup ng pang picture ko sa mga i-oorder ko mamaya, at doon na nagsimula ang aking kakaibang experience!


Ang “Grilled Spicy Paa!”


Ngayon, gusto kong i-share sa inyo ang aking experience at insights sa pag-try ng dish nila na tinatawag ay "Grilled Spicy Paa". Ito yung tipong mga pagkain na makikita mo lang sa mga occasion, kung saan ang paa ng manok ay inihaw at nilagyan ng iba't ibang spices para maging mas malasa at maanghang. Sa unang tingin pa lang, kita mo na perfect ang pagkatimpla ng manok! Sa kulay orange ng balat at golden brown na laman, sobrang nakakatakam! Dito ko ito natikman at napa-wow ako sa sarap at spicy level nito! Fit na fit din kapag gusto niyong bumisita at kumain. Magjowa man, magka-barkada o pamilya, sulit na sulit dahil napakasarap ng mga pagkain dito! Oh ano, G’ tayo diyan?


Hindi pwedeng mawala ang sawsawan sa Grilled Spicy Paa. Ang toyo, kalamansi, at sili ay nakahalo at kasama na sa order, kaya sawsawan wise, check! Ito rin ay nagbibigay ng mas intense na lasa. Kapag habol mo naman ay creamy, pwedeng gawing mayo-based ang iyong sawsawan. Kaya bawa’t kagat ko ay lasap na lasap ko ang karne, at lalo pang sumarap dahil nag-cocompliment ang sawsawan nito sa karne.


Itong kinain ko ay hindi lang malasa, kundi may anghang din. Hindi ka din masasawa agad dahil hindi siya sobrang oily. Ang maanghang na timpla ay hindi masyadong pumipitik sa bibig, ngunit sapat na nakakapagbigay-init sa bawat kagat. Ang maanghang na sawsawan, na partner ng inihaw na karne, ay nagbibigay ng kakaibang feeling o sensation na hindi mo malalasahan sa ibang putahe, ibang klase talaga! Feeling ko sa mga chikiting o sa mga bagets natin, siguro tolerable naman sa kanila ito dahil ang spicy level naman ay di masyadong mataas para sakin, ngunit hinay-hinay lang sila sa sawsawan dahil hinaluan ito ng hiwang sili.

70 views0 comments

Comments


bottom of page