top of page
  • Writer's pictureJhon Eric Full

TIMPLADONG KARNE, PABORITO NG BAYAN! Honest Review of JT’s Manukan Grille

Updated: Dec 28, 2023


Hello mga ka-southies! Kung hanap mo ang authentic ng mga inihaw, never look back, wag kang mahiya! Siguradong hindi ka magsisisi kapag nai-try mo ang JT’s Manukan Grille, ang lugar para sa mga Grilled Foods. Sa bawa’t kagat, naranasan ko ang intense at tamang timplado ng masarap na inihaw na karne. Tara mga ka-south, samahan ninyo ako sa aking panibagong blog!


Pagpasok ko palang ng restaurant, sa amoy palang ay tila naglaway na agad ako, sobrang nakakatakam talaga dahil sa amoy ng mga iniihaw na karne. Agad ko namang napansin ang maaliwalas na ambiance ng lugar! Malinis, maayos, at hindi mawawala ang iconic na amoy ng mga ihaw. Hindi nagtagal, mabilisang akong umupo at nagsetup ng pang picture ko sa mga i-oorder ko mamaya, at doon na nagsimula ang aking kakaibang experience!


Ang “Grilled Pork Liempo”



Sa ibang food naman na triny namin, ay ang Grilled Pork Liempo ng JT. Nung unang hinanda palang ay tila nag niningning ng parang bituin na siya sa aking paningin! Hindi ito ang pangkaraniwang inihaw na liempo, bagkus ay isang kakaibang experience ng lasa at tamis. Katulad lamang sa pagtimpla ng Grilled Spicy Paa, sa unang tingin pa lang, makikita mo na yung perfect na pagkatimpla ng karne! Sa kulay orange ng balat at golden brown na laman, hindi talaga matatalo ang level nito! Mapapa-wow ka ulit sa lasa nito! Halina't samahan ninyo ako, let’s dive right in!



Sa unang piraso palang, masasabi ko na hindi ito masyadong maalat, at hindi rin masyadong matamis, kumbaga balanced yung chemistry nitong dalawa. Ang pagkakaroon ng balanse sa pagitan ng tamis at alat ay nagbibigay ng kakaibang lasa, at dito din umaangat ang pagkaluto nila kumpara sa mga ibang restaurant. Parang dumaan ako sa ibang realm, o dimension dahil sa pasabog ng flavors nito. Ang sarap! Nararamdaman mo ang bawat butil ng marinade o yung timpla na pumasok sa bawat kagat! Sinabayan din ito ng atchara, na ginawa nila mismo, hindi lang yung galing sa mga grocery at anuman, dahil fresh na fresh ang mga ingredients nila dito!


Nagcocompliment talaga yung flavor nila, parang gumagawa sila ng portal na kung saan may kaka-ibang dimension ng mga flavor na sumasabog sa bibig mo. Mahirap siya describe kaso parang kumbaga, heavenly ang masasabi ko! 10/10 talaga, masarap siya i-partner sa atchara. Ang masasabi ko dito ay perfect din siya sa mga magjowa, magbarkada at magpamilya dahil napakasulit dito at napakasarap ng mga pagkain na hinahanda nila.


Sawsawan wise, wala silang ibinigay ngunit mas sasarap ito kapag nilagyan nila ng sawsawan ng suka na may kasamang bawang. Pwedeng ihalo sa kanin, i-dip ng liempo, o kahit isawsaw ang balat – tiyak na magiging paborito mo ang sawsawan na ito.


Sa pagtatapos ng ating food-trip ng mga inihaw, tiyak na masasabi nating parehong kakaibang putahe ang Grilled Pork Liempo at Grilled Spicy Paa. Ang Grilled Pork Liempo, sa kanyang tamang timplado at malasang pagkakaluto, ay nagbibigay ng dimension ng mga panlasa sa bawat kagat. Yung Grilled Spicy Paa naman, sa kanyang spicy na timpla at ang pasabog na lasa, ay nagdadala ng kakaibang sensation at spiciness sa bawat kagat. Ang dalawang putahe ay may kanya-kanyang taglay na kakaibang lasa na nagbibigay kulay sa ating food trip. Ang Grilled Pork Liempo na may tamang timpla at malasang karne ay isang klasikong paborito na talaga namang nakakabusog. Samantala ang Grilled Spicy Paa naman, sa kanyang maanghang na timpla at kakaibang anghang, ay nagdudulot ng mas intense na panlasa.


Ang pinagsamang Grilled Pork Liempo at Grilled Spicy Paa ay isang experience na hindi malilimutan. Ang pagdiskubre at pagta-try ng mga iba’t-ibang inihaw na pagkain ay puno ng kakaibang saya, masarap na alaala. Overall, hindi mahalaga kung alin ang pipiliin mo sa dalawa, dahil pareho itong nagdadala ng sari-sarili nilang dimension ng lasa. Sa kabila naman ng sarap at yung quality ng pagkain, mayroon ding abot-kayang presyo kaya hindi ito mabigat sa bulsa, mabubusog ka pa. Sana'y masubukan ninyo rin at masiyahan sa masarap na inihaw ng JT’s Manukan Grille, mga ka-southies!

498 views0 comments

Recent Posts

See All

Comentários


bottom of page